Tinalakay ni Finance Secretary Ralph Recto ang free trade agreement sa ilang matataas na opisyal ng United Kingdom, dahil sa lumalagong kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pulong ni Recto kay UK Prime Minister Trade Envoy to the Philippines Richard Graham at UK Ambasador to the Philippines Laure Beaufils, sinabi nito na ang free trade ay posible sa ilalim ng comprehensive and progressive agreement for trans pacific partnership.
Inihayag naman ng dalawang opisyal ang kanilang interes na isulong ang government to government agreement sa development cooperation.
Kabilang din sa agenda ang UK Export Finance GBP 4 billion o tinatayang P287 billion na halaga ng development ng UK sa Pilipinas, at sa mga priority project nito.
Gaya ng kooperasyon sa edukasyon, impratruktura, water, renewable energy at defense.
Hinimok din ni Recto ang UK, na suportahan ang digitalization efforts ng gobyerno at mag-invest sa big ticket infra projects.
Nagpahayag naman ng interes ang UK officials na makipagtulungan sa bansa sa pamamagitan ng British investment partnership initiative sa pag-isyu ng green at blue bonds, at i-mobilize ang public finance tungo sa sustainable development. | ulat ni Melany Valdoz Reyes