Aminado si Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senador Sonny Angara na posibleng makwestiyon sa Korte Suprema ng isinusulong panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Ito ay matapos sabihin ni dating Chief Justice Reynato Puno na posibleng kwestiyunin sa kataas-taasang hukuman ang prosesong ginagawa ng Kongreso sa economic cha-cha.
Ayon kay Angara, siguradong may mag-aakyat nito sa SC dahil first time ito mangyayari at may ambuguity pa sa 1987 Constitution.
Muli ring nanindigan ang senador na dapat hiwalay ang magiging pagboto ng Senado at Kamara sa pag-apruba ng panukalang amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.| ulat ni Nimfa Asuncion