Para kay Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara, may sapat pang panahon para maisabay ang plebesito para sa chacha sa 2025 elections.
Ayon kay Angara, Marso pa lang naman at marami pang panahon para plantsahin ang mga detalye.
Una nang sinabi ni Angara, na target ng kanyang komite na maaprubahan ang economic chacha bago mag Oktubre, para maisabay sa printing ng 2025 ballots.
Sa ngayon, sinabi ng senador na target nilang madala na sa plenaryo ng Senado ang panukalang economic chacha bago ang SONA (State of the Nation Address). | ulat ni Nimfa Asuncion