Umapela si Senador Chiz Escudero sa Department of Labor and Employment (DOLE) na suportahan ang panukalang batas na layong taasan ng P100 ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ginawa ni Escudero ang panawagan matapos magbabala si Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na posibleng tumaas ang presyo ng mga pangungunahing bilihin kapag pinatupad ang legislated wage hike.
Giniit ng senador na dapat isinusulong ng DOLE ang kapakanan ng mga manggagawa at sa halip ay suportahan ang senate bill 2534.
Ang ginagawa aniyang pagbababala ng labor secretary ay trabaho dapat ng DTI.
Una nang nagpahayag ng suporta si escudero sa panukalang legislated wage hike at pinahayag na nararapat nang matanggap ng mga manggagawa ang naturang dagdag sahod.
Naipasa na ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala.
Umaasa si escudero na magpapasa na rin ang kamara ng counterpart bill nito para agad na mapatupad at mabenepisyuhan na ng mga manggagawa. | ulat ni Nimfa Asuncion