Naninindigan si Sen. Risa Hontiveros sa desisyon niyang ipa-subpoena si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Giniit ni Hontiveros na bahagi ng kapangyarihan ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Women na imandato ang attendance ng isang resource person, kahit pa gaano pa ito kakonektado.
Pinunto ng senadora na kahit ang mga miyembro ng gabinete, mga mambabatas at maging dating Pangulo ng bansa ay sumunod na sa subpoena ng senado at humarap sa Senate hearing.
Tiniyak ng mambabatas na gagalangin naman ng Senado ang Constitutional Rights ni Quiboloy, gaya ng ginagawa sa lahat ng mga naging testigo sa mga Senate hearings.
Pero binigyang diin ni Hontiveros na hindi mas nakakataas si Quiboloy sa Presidente, sa Senado at sa batas.
sa kabilang banda, tiniyak ng senadora na hindi sila mangingiming tumindig laban sa mga nananakit ng kapwa, mapang abuso at mga tiwali.| ulat ni Nimfa Asuncion