Namahagi ng tulong pinansyal si Presidential Sister Senator Imee Marcos katuwang ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa mga residente ng Las Pinas City.
Kung saan nasa halos 3,000 mga residente ang nabiyayaan ng tulong-pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa naturang bilang nasa siyam na milyong piso ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng lungsod.
Ayon kay Senador Imee Marcos, layon ng kanyang pamamahagi ng ayuda mula sa DSWD na makatulong sa bawat pamilyang Pilipino na hikahos sa buhay.
Ayon naman kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, makakaasa ang mga residente ng siyudad na patuloy silang maghahatid ng tulong, partikular sa mga nangangailangan ng medical assistance, burial support, transportation, educational aid, food, at financial assistance. | ulat ni AJ Ignacio