Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na walang leadership change na niluluto ngayon.
Ayon kay Legarda, buo ang kanilang suporta sa liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Giit ni Legarda, sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa trabaho at ayaw nilang pag-usapan ang politika o anumang pagbabago sa panahong ito.
Sinabi rin ni Senador Jinggoy Estrada na wala siyang alam sa sinasabing resolution na nagsusulong na palitan na si SP Zubiri.
Wala pa aniya siyang nakakausap na senador tungkol dito at buo rin ang kanilang suporta para kay Senate President Zubiri.| ulat ni Nimfa Asuncion