Ikinatuwa ni Senador Raffy Tulfo ang balita na nagsimula nang matanggap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ng nawalan ng trabaho sa na-bankrupt na Saudi Arabian construction companies ang kanilang mga kompensasyon.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naproseso na ng overseas Filipino bank at Landbank ang nasa 1,104 indemnity checks na nagkakahalaga ng higit P868-million.
Sa bilang na ito, 843 ang naayos na at nabigay sa mga kinauukulang OFW.
Ikinagalak ng Senate Committee on Migrant Workers chairman na matapos ang halos 9 na taon na paghihintay ay makukuha na rin ng mga OFW na ito ang kanilang insurance claims.
Taong 2015 at 2016 ng ma-terminate sa trabaho ang 10,544 na OFW sa Saudi Arabia at ang pagbibigay ng insurance claims ngayon ay bilang pagtupad sa pangako ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na babayaran ng kanilang gobyerno ang ating mga OFW. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion