Hinamon ni Senate Committee on Women and Children Chairperson Senator Risa Hontiveros si kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na humarap sa pagdinig ng kanyang komite kaugnay ng alegasyon ng kanyang pang aabuso sa ilang miyembro ng KOJC.
Ito ay kahit pa wala pang subpoena na mailabas ang komite ni Hontiveros laban kay Quiboloy, na sa ilang beses na nitong hindi pagdalo sa pagdinig ng kumite.
Giiniit ni Hontiveros, na kung totoong walang kasalanan si Quiboloy ay dapat kusa itong magpakita sa magiging pagdinig ng committee on women sa Lunes.
Noon pang February 6 pinasa ng kumite ni Hontiveros sa opisina ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena para kay Quiboloy pero hindi pa ito napipirmahan.
May paliwanag naman aniyang ibinigay sa kanya si Zubiri na hindi pirmahan ang subpoena, pero hindi na ito dinetalye at ibinahagi pa ni Hontiveros.
Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang senadora na sa susunod na linggo o mga araw ay pipirmahan na rin ni Zubiri ang subpoena.
Pero kahit walang subpoena ay tuloy pa rin naman aniya ang mga pagdinig tungkol sa mga umano’y pang-aabuso ni Quiboloy. | ulat ni Nimfa Asuncion