Kumpiyansa si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ₱100 legislated wage hike para sa lahat ng minimum wage workers sa pribadong sektor.
Sinabi ito ng senadora sa kabila ng pagtutol ng ilang employer at business group sa naturang panukala dahil sa sinasabing magiging “inflationary effect” nito.
Ayon kay Hontiveros, hindi lang naman ang sweldo ng mga manggagawa ang nakakaapekto sa inflation.
Pinaliwanag rin ni Hontiveros na kung tataas ang sweldo ng mga manggagawa ay tataas ang kanilang purchasing power, ibig sabihin ay mas mataas ang magiging kakayahan ng ito na bumili ng mga produkto at serbisyo.
At bawat transaksyon nito ay may katumbas na buwis na babalik rin sa gobyerno.
May employer groups rin aniya na sumusuporta sa naturang panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion