Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na masilip ang pagpapatupad ng Free Senior High school assessment and certification support program para sa mga technical vocational livelihood (TVL) learners.
Sa paghahain ng Senate Resolution 835, binigyang diin ni Gatchalian ang pangangailagan na masuri ang kahandaan ng Department of Education (DepEd) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagpapatupad ng programa.
Noong budget deliberation para sa 2024 National Budget, una nang isinulong ang pagpopondo para sa libreng sertipikasyon ng mga TVL senior high school learners para tumaas ang posibilidad na makahanap sila ng trabaho.
Kaya naman nais matiyak ni Gatchalian na magagamit ng tama ang inilaan na pondo para matilungan ang mga grade 12 TVL graduates.
Sa ilalim ng 2024 National Budget, P438 billion ang inilaan para sa TESDA regulatory program para i-assess ang senior high school students na kumukuha ng national certification para sa kinukuha nilang TVL Track.
Tinatayang 420,900 Grade 12 TVL graduates ang sasaklawin ng naturang pondo.
Mayroon ring P50 million na alokasyon sa DepEd sa ilalim ng Teacher Quality and development program. | ulat ni Nimfa Asuncion