Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagpapahayag nito ng tiwalang binigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang review ng economic provision ng 1987 Constitution.
Ayon kay Zubiri, gaya ito ng kanilang napag-usapan noong umpisa ng taon.
“I thank President Marcos for reiterating his trust in the Senate to lead the review of the economic provisions of the Constitution, as we had discussed at the start of the year.”
Sa ngayon ay gumugulong na aniya ang review sa konstitusyon at nakikita namang nagiging produktibo, at mas nakapagbibigay liwanag dahil na rin sa mga pananaw na ibinabahagi ng Constitutionalists, proponents, kritiko, at lahat ng stakeholders mula sa education sector hanggang sa foreign business chambers.
Tiniyak ni Zubiri, na determinado ang senado na makapaglabas ng pinakamainam na amyenda na makakatulong na mapaluwag ang economic restrictions ng konstitusyon, at magtataguyod ng ating national interest.
Patuloy rin aniyang naninindigan ang Mataas na Kapulungan sa pagprotekta sa iba pang bahagi ng Saligang Batas.
“Rest assured that we are determined to come out with the best possible amendments that will help relax the economic restrictions of the Constitution, that will benefit our people and uphold our national interest. We also remain resolute in protecting the rest of the Constitution.” | ulat ni Nimfa Asuncion