SP Zubiri, mas nais pagtuunan ng pansin ang trabaho kaysa politika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagsisilbi siyang lider ng mataas na kapulungan ng Kongreso base sa kagustuhan ng mga kasama niyang senador.

Ito ang reaksyon ni Zubiri sa impormasyong lumutang na may pagkilos umanong nagaganap para palitan na siya bilang senate president.

Ayon kay Zubiri, ipinapaubaya na niya sa majority ang pagpapasya kung hanggang kailan siya magsisilbi bilang pinuno ng senado.

Nang matanong naman kung saan sa tingin niya nanggaling ang alingasngas na ito…

Sinabi ng senador na alam naman ng lahat na may mga pagkilos para gibain ang Senado.

Pero ayaw na aniya niya itong pansinin at mas nais na lang nilang pagtuunan ng pansin ang trabaho at ang mga bagay na makakatulong sa mga Pilipino.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us