Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang maigting na pagsiguro sa kapakanan at kasaganaan ng lahat ng Pilipino, sa pamamagitan ng pagsasabatas ng dalawang mahahalagang panukala na layong pagbutihin ang buhay ng mga nakatatanda at pagsusulong sa mga produktong gawang Pinoy.
Nilagdaan ng Presidente ngayong araw ang Republic Act (RA) 11981 o Tatak Pinoy Act at RA 11983 o An Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians.
“These legislative milestones represent a steadfast dedication to addressing crucial issues facing our nation’s maritime workforce, elderly citizens, and local industries,” saad ng lider ng higit 300 miyembro ng Kamara de Representantes.
Paglalahad pa nito, “We commend President Bongbong Marcos for his resolute leadership and unwavering dedication to furthering the welfare and interests of the Filipino people. These legislative victories underscore our shared determination to construct a more prosperous and inclusive nation for future generations.”
Salig sa Tatak Pinoy Act, maglalatag ng komprehensibong istratehiya sa pagbuo, pagpopondo, at pagpapatupad ng Tatak Pinoy Strategy na layong paramihin ang produksyon at isulong ang dekalidad na produktong gawa sa Pilipinas.
“The enactment of the Tatak Pinoy Act marks a significant milestone in our efforts to empower Filipino enterprises and drive sustainable economic development. Together, we will harness the potential of our workforce and propel our nation towards greater prosperity,” ani Speaker Romualdez
Ikinalugod din ng Speaker ang pagiging ganap na batas ng panukalang P10,000 cash gift sa mga Pilipino na aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95 at ang pagtatatag ng Elderly Data Management System.
Pinalawig ng batas na ito ang benepisyo ng Republic Act 10868 o Centenarians Act, na naggagawad ng P100,000 cash gift sa mga aabot sa edad na 100 taong gulang.
“RA 11983 exemplifies the President’s dedication to honoring our elderly citizens and ensuring their well-being in their golden years. By providing financial assistance and establishing an Elderly Data Management System, this law reflects our commitment to supporting our elders who have contributed immensely to our society,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes