Kinansela ng pamunuan ng Mangaldan National High School ang nauna nang anunsyo na suspensyon ng klase ngayong araw, February 19 matapos mag-negatibo sa bomb threat ang paaralan.
Ayon sa kay Municipal Councilor Aldrin Soriano, ang pagtutuloy ng klase ngayong araw ay alinsunod sa instruction ni Mangaldan PNP Chief of Police PLtCol. Roldan Cabatan sa prinsipal ng MNHS matapos matiyak na ligtas ang paaralan sa bomb threat.
Una ng nagsagawa ng panelling o inspeksyon sa bawat lugar ng paaralan ang Explosive Ordinance Disposal and Canine Group ng PNP Fourth District na sinimulan pasado alas dose kaninang madaling araw (12:10am).
Una nito, ay nakatanggap si Soriano sa pamamagitan ng kanyang social media account na may bomb threat sa nasabing paaralan kaya agad nitong ipinagbigay alam sa mga otoridad at prinsipal ng MNHS upang matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng PNP ang totoong pagkakakilanlan ng Ng account na nagpaabot ng mensahe.| ulat ni Verna Beltran | RP1 Dagupan
📸 Councilor Aldrin Soriano