Inaasahang masisimulan na ang pagtatayo ng Super Health Center (SHC) sa Barangay Inabaan Sur, Rosario, La Union. Ito ay pagkatapos isagawa ang groundbreaking nitong ika-30 ng Enero 2024.
Pinangunahan ni Mayor Bellarmin Flores II ang seremonya kasama ang mga kinatawan ng Department of Health, Provincial Health Office at mga opisyal ng munisipyo at barangay.
Ang pagtatatag ng Super Health Center sa bayan ay isang mahalagang hakbangin na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng mga residente sa komunidad.
Ang Super Health Center ay inaasahang tutugon sa mga pangangailangan ng pitong (7) barangay sa Rosario na kinabibilangan ng Inabaan Sur, Inabaan Norte, Alipang, Ambangonan, San Jose, Casilagan, at Cadumanian.
Isa itong katuparan sa pangako ng munisipalidad na makapagbigay ng accessible at komprehensibong mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga mamamayan nito. | ulat ni Albert Caoile | RP Agoo
📸: Municipality of Rosario, La Union