Suporta ng higit 50 mambabatas mula Mindanao sa pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat, patunay sa pagkakaisa ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

“By coming together in solidarity, we demonstrate our steadfast rejection of any attempts to undermine the unity and integrity of our nation. We reaffirm our unwavering commitment to upholding the principles of peace, unity and nation-building,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sa BPSF sa Sultan Kudarat sina: Representatives Migs Nograles, Christian Unabia, Bambi Emano, Lordan Suan, Toto Suansing, Yasser Balindong, Divina Yu, John Flores, Khymer Olaso, Aldu Dujali, Joboy Aquino, Wilter Palma, Sam Santos, Peter Miguel, Ed Lumayag, Alan Ecleo, Mannix Dalipe, Maricar Zamora, Bingo Matugas, Steve Solon, Glona Labadlabad, Pinpin Uy, Victoria Yu, Nelson Dayanghirang, Munir Arbison, Antonieta Eudela, Loreto Acharon, Alfelito Bascug, Mohamad Paglas, at Jason Almonte.

Nasa 150,000 na Mindanaons naman ang nakinabang sa ₱1.2-billion na halaga ng tulong ng pamahalaan sa BPSF.

Ito ang pinakamalaking BPSF kung saan nakibahagi ang 55 ahensya ng pamahalaan at nag-rollout ng 329 na programa, proyekto, at serbisyo.

Nasa ₱200-million na halaga ng cash assistance ang ipinagkaloob sa ilalim ng AICS ng DSWD at TUPAD ng DOLE.

Bahagi rin ng BPSF ang pamamahagi ng Cash Assistance and Rice Distribution Program (CARD) sa may 28,000 benepisyaryo na nakatanggap ng higit sa 500,000 kilo ng bigas.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us