Nakipagpulong si Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Irineo C. Espino kay Swedish State Secretary for Foreign Affairs H.E. Jan Knutsson sa pagbisita ng huli sa punong tanggapan ng DND.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, kabilang sa mga natalakay ang implementasyon ng Memorandum of Understanding concerning Cooperation in the Acquisition of Defense Materiel, mga update sa Revised Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program and funding requirements, at Philippine procurement Law.
Ipinaabot ni Senior Undersecretary Espino ang pagiging bukas ng Pilipinas na isulong ang kooperasyon sa technology transfer at research and development, para makamit ang self-reliant defense posture.
Ibinida naman ni State Secretary Knutsson ang kanilang “cost effective” na gamit pandepensa, partikular ang kanilang mga fighter jet.
Kapwa inihayag ng dalawang opisyal na inaasahan nila ang paglago ng long-term bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Sweden. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND