Tutulungan ng Department of Agriculture ang local seaweed producers sa bansa para maibalik ang katayuan ng Pilipinas bilang top export producers ng aquaculture resources.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. naungusan na ang Pilipinas ng Indonesia sa antas ng produksyon.
Noong 1990, ang Pilipinas ay nagluluwas ng 80% ng seaweed sa mundo habang 10% lang ang produksyon ng Indonesia.
Bunga umano ito ng limitadong suporta sa industriya, gaya ng kakulangan sa seedlings para sa mas malawak na tissue culture laboratories.
Malaking bahagi ng seaweed production ay nanggagaling sa Mindanao habang ang processing facilities ay nasa Cebu at Manila.
Sabi pa ni Laurel, malaki ang oportunidad na makabawi ang Pilipinas dahil mayroon pang 85,000 ektarya na hindi nagagamit na local seaweed industry area. | ulat ni Rey Ferrer