Patuloy na ipinapatupad ang suspensyon ng klase sa Davao City at maging sa Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte dulot ng nararanasang trough of low pressure area o LPA.
Nasa work from home arrangement din ang mga empleyado ng gubyerno at maging ang ibang nasa pribadong kumpanya.
Sa ngayon, nararanasan pa rin ang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa rehiyon lalo na sa Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte at maging sa Davao City.
Iilan din sa mga kalsada sa Davao de Oro, Davao Oriental at Davao del Norte ang hindi madadaanan dulot ng pagbaha at landslide.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang rescue operation sa iba pang lugar na binaha habang nananatili ang mga evacuees sa ibat ibang evacuation center sa mga apektadong lugar sa rehiyon onse.
Ayon sa advisory ng DOST PAGASA, tatagal ang trough of LPA hanggang bukas na mararanasan dito sa silangang bahagi ng Mindanao. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao
📸 Davao Oriental, Davao de Oro, Panabo City and Davao del Norte LGU