Makakaasa ang mga Pilipino ng buong suporta mula sa Marcos Administration sa pagpapayabong pa ng talento ng mga ito.
“The government must take the lead and the reason why I consider it very, very important and I’ve always done so, is because the culture of a country is the definition of its people.” -Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ika-16 na Ani ng Dangal sa Metropolitan Theatre sa Maynila, binigyang diin ng Pangulo na ang sining ay sumusulong lamang sa isang kapaligiran na mayroong kalayaan.
Sinabi ng Pangulo, sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ito mismo ang maaasahan ng mga Pilipino.
Kaugnay nito, hinikayat rin ng Pangulo ang mga Pilipino na pa-igtingin pa ang kanilang talento, tuparin ang kanilang mga pangarap, lampasan ang mga hamon, at patuloy na maging magaling sa larangang kanilang pinili.
“So please act on your dreams, believe in your talent, dare to break ground, tear down the walls that cage your creativity, hone your craft.” -Pangulong Marcos.
Lalo’t sa bawat palakpak at pagkilala na inaani ng mga ito, hindi lamang aniya ang kanilang sarili ang kanilang ibinibida, bagkus ay maging ang mayamang sining, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
“Every applause that you draw from the audience wherever in the world is also an adulation for the land of your birth which is rich in artistry. You are ambassadors of our culture have won the hearts of audiences here and abroad.” -Pangulong Marcos.
Ang Ani ng Dangal ay pagkilala ng National Commisssion for the Culture and Arts (NCCA), na taunang isinasagawa, upang bigyang parangal ang talento ng mga Pilipino sa Sining at Kultura.
Ngayong araw (February 20), nasa 26 na indibidwal ang binigyang pagkilala mula sa linya ng architecture at allied arts, sayaw, literary arts, musika, at visual arts. | ulat ni Racquel Bayan