Ang Masara Lanslide incident sa bayan ng Maco, Davao de Oro ay nag-udyok ng urgent action mula sa Mines and Geosciences Bureau’s (MGB) Post-Disaster Assessment. Ito ay pinangunahan ng team ng mga eksperto mula sa MGB Central Office, MGB Region 6, MGB XI, at team na kinabibilangan ng mga key government officials at stakeholders na naglunsad ng assessment. Ito ay para maintindihan ang extent ng geohazard incidents at makapalikha ng mga estratehiya para sa pagbangon at paano maiwasan ang trahedya.
Binigyang diin sa presentasyon ng mga findings na mayroong urgent need na kailangang gawin ang mga intervention at mga hakbang para bumaba ang tsansa ng panganib sa mga lugar na bulnerable. Sa pamamagitan ng geohazard mapping, layun ng team na makapagbigay ng mga pananaw na posibleng maisakatuparan para sa epektibong pagresponde sa panahon ng kalamidad at maplano kung paano gamitin ang lupa .
Kasabay niyan, may ginawang aerial survey. Ang team ay naglunsad ng rapid ocular inspections sa proposed relocation sites para sa mga residenteng naninirahan sa mga kabaranggayan ng Mainit, Tagbaros, Elizalde, at Malamodao. Ang on-ground assessment ay pina-facilitate ng mga lokal na awtoridad at mga kinatawan ng mga kumunidad para ma- evaluate ang katatagan ng lugar kung dapat bang tirhan ng mga displaced residents.
Ang mga nakalap na insights sa mga lugar na na-inspection ay ang pagbabasehan ng mga plano na dapat gawin at paano isakatuparan ang mga inisyatiba para sa paglilipat upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng apektadong populasyon.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao