Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto B. Carlos ang inspeksyon, at test firing ng bagong-kabit na armas ng AW-159 anti-submarine helicopter ng Philippine Navy sa Cavite.
Ang AW159 Wildcat Helicopter na gawa ng United Kingdom ay bahagi ng “firepower” ng Jose Rizal Class Anti-submarine frigate.
Dinisenyo ito para sa mga misyon tulad ng anti-surface warfare, maritime surveillance, maritime interdiction, at iba pang mission-essential at utility operations.
Ang pagkakabit ng .50 caliber heavy machine gun ay nakadagdag sa kapabilidad ng naturang helicopter laban sa mga potensyal na banta sa karagatan.
Ang aktuwal na in-flight test firing ay isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim firing range sa Ternate, Cavite.
Kasama sa naturang aktibidad ang Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC) ng AFP, at mga kinatawan mula sa United Kingdom, Department of National Defense, at Philippine Navy. | ulat ni Leo Sarne