Nanumpa na bilang bagong General Manager at Chief Operating Officer ng Philippine Retirement Authority (PRA) ang tourism veteran na si Roberto “Bob” Zozobrado.
Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang panunumpa ni Zozobrado para sa PRA na isang attached agency ng ahensya sa ilalim ng Republic Act No. 9593 o ang Tourism Act of 2009.
Kilala si Zozobrado bilang may malawak na karanansan sa industriya ng turismo at dati ring nagsilbi bilang presidente ng Tourism Congress of the Philippines at chairman ng Pacific Asia Travel Association (PATA) dito sa Pilipinas. Naging member din ng PRA Board of Trustees si Zozobrado bago nanumpang GM sa kasalukuyan.
Mandato ng PRA na itaguyod at palakasin ang Pilipinas bilang isang lugar para sa mga nais magretiro dito sa bansa na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya at kalidad ng buhay para sa mga retirees na naghahanap ng kanilang retirement haven.| ulat ni EJ Lazaro