Iprinisinta na ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson sa mga kinatawan ng transport group ang modern jeepney na balak nitong ipautang para sa PUV Modernization Program (PUVMP).
Sa pagpupulong kanina, isinama ni Singson ang Korean Manufacturer na Eon Company na gagawa ng electric modern jeepney na kanyang ipapautang sa mga tsuper at operators.
Sa naturang pulong, ipinakita ng dating gobernador ang itsura ng electronic jeepney na ginawa sa South Korea kung saan ginaya ang traditional jeepney sa Pilipinas.
Ang kaibahan lang walang radiator, walang oil maintenance, at hindi gagamitan ng krudo o gasolina sa inihain na modern jeep dahil ito ay rechargeable.
Ito ay may dalawang battery na kayang bumiyahe ng hanggang walong oras, air conditioned, may camera sa loob, double tire, may 26 na pasahero, kayang tumakbo ng hanggang 50 kilometers per hour, may pintuan sa likod at gilid, at ito ay four-wheel drive.
Sa kanyang alok sa transport operators, walang down-payment na hihingin si Singson, wala ding collateral at zero interest na babayaran hanggang sa kung kailan kayang matapos ang hulugan.
Ang kumpanya na rin na LCS Group ang mangangasiwa sa lahat ng mga papeles tulad ng pagpaparehistro sa LTO at LTFRB ng nasabing unit.
Matapos ang presentation kanina, agad pumirma ang dating gobernador sa joint venture na Eon Company ng South Korea na nagdisenyo, at gagawa ng modern jeepney.
Sa buwan ng Mayo 2024 planong simulan ni Singson na makapaghatid ng 100,000 units ng electronic modern jeepney habang ang mga susunod na unit ay dito na lang sa Pilipinas gagawin.
Naging positibo naman ang tugon ng transport group sa alok ng dating Ilocos Sur Governor at nagpahayag ng kanilang interes.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ay ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, FEJODAP, ACTO, National Transport Alliance, National UV Express Association at iba pa. | ulat ni Michael Rogas