Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng tulong na maaaring maipagkaloob sa mga magsasaka.
Sa talumpati ng Chief Executive sa pamamahagi ng titulo sa Davao City, inihayag nitong katuwang nila ang pribadong sektor para matulungan ang mga Pinoy farmers.
Muling nabanggit ng Pangulo na kung sino pa ang nagpapakain at bumubuhay sa mga Pilipino ay siyang hindi mapakain ng husto ang kanilang sariling pamilya na tumtukoy sa mga magsasaka.
Nakakadurog ng puso ayon sa Chief Executive na mamasdang hanggang ngayo’y ang pinakamahirap sa bansa ay ang mga magsasaka.
Pagtiyak ng Pangulo, papalitan ang aniya’y napakaliit na tulong na nanggagaling sa pamahalaan at maiangat ang buhay ng mga magsasaka. | ulat ni Alvin Baltazar