Matagumpay na naorganisa ng University of the Philippines Mindanao (UPMin) Office of Student Affairs ang isang lecture forum na pinamagatang “Coping with the Better Normal and Addressing Depression and Anxiety.” Inilunsad ito kamakalawa, February 26, 2024, sa CHSS Mini Theatre ng unibersidad.
Si Dr. Abegail Lozada-Laganao, Chairperson ng Institute of Psychiatry and Behavioral Medicine (IPBM) ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, ay nagsilbing resource speaker para sa event.
Layun ng forum na bungkalin ang kasalimuutan upang magpapatuloy ang katatagan para sa mas kaaya-ayang normal na kapaligiran.
Nilinaw ni Dr. Lozada-Laganao na nagpapatuloy ang mga hamong idinulot ng anxiety, depression o labis na kalungkutan, kahit pa pinagsisikapan ng mga indibiduwal na maging matatag at matibay.
Kaniyang binanggit ang mga karaniwang estratehiya at mekanismo para epektibong makayanan ang mga mental health issues, na naglalayong gabayan ang mga participants tungo sa pagkamit ng mas kaaya -ayang pag-iisip at well-being.
Ang event ay nilahukan ng mga faculty members, students, at university personnel.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao