Nanatiling very sufficient ang lalawigan ng Ilocos Norte sa mga major crops ng agrikultura.
Ito ang sinabi ni Chonito Baldovino head ng High Value Crops ng Provincial Agriculture Office a ibinase sa kanilang istatistika.
Aniya, sa kabila na tumataas ang papulasyon ng Ilocos Norte na umaabot aa mahigit 600,000 ay kaya pang mapakain ang mga mamamayan ang mga ani mula sa sektor ng agrikultura.
Sinabi ni Baldovino na maraming bigas, bawang, sibuyas, at mga gulay ang ani ng mga magsasaka.
Samantala, ngayon taon ay umarangkada na naman ang Capitil Express kung saan isa ang sektor ng agrikultura, o Agri-Ka Dito Program ang nagbibigay-tulong sa mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan para maparami pa ang ani nila.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag