Dumalaw si Vice President Sara Duterte sa mga pamilyang biktima ng pagguho ng lupa na kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center sa Nuevo Iloco Elementary School sa bayan ng Maco, Davao De Oro.
Kabilang sa binisita ng Pangalawang Pangulo ang mag-asawang senior citizen na nasa 80 taong gulang na.
Sina Lolo Leo at Lola Soriña na taga-Barangay Tagbaros ay parehong nakaligtas sa pagguho ng lupa.
Ayon kay VP Sara, lubos ang kaniyang kasiyahan na nakaligtas ang dalawang matanda sa trahedya at minabuting lumikas na muna sa nasabing lugar nang makaiwas sa posibleng pagguho ng lupa.
Nagpaabot din ng pagbati sa publiko ngayong Valentine’s Day ang Pangalawang Pangulo.
Samantala, tiniyak ng Office the Vice President na magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa libu-libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region ngayong linggo. | ulat ni Diane Lear
📷: Inday Sara FB