Muling nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad at sakuna na maaaring tumama sa ating bansa.
Ito ay inihayag ng Pangalawang Pangulo matapos na dumalo sa situation briefing kaugnay sa nangyaring mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region kahapon, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Davao City.
Ayon kay VP Sara, kininakailangan na alam ng ating mga kababayan ang dapat gawin at ang kailangang aksyon upang maiwasan ang trahedya.
Aniya, ang pangangalaga sa buhay at pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan ang dapat nananatiling prayoridad.
Nagpasalamat naman si VP Sara kay Pangulong Marcos sa lahat ng tulong ng pamahalaan na ipinaabot sa mga apektadong lugar sa Davao Region. | ulat ni Diane Lear