Magpapatupad ng water service interruption ang Maynilad Water Services sa walong barangay sa Lungsod Quezon, simula bukas.
Ito’y dahil sa isasagawang regular maintenance activities para mapanatiling maayos ang kondisyon ng kabuuang distribution system sa West Zone.
Ayon sa Maynilad, maliliit na area lamang ang apektado ng ganitong mga aktibidad at ginagawa ito sa off-peak hours upang maibsan ang epekto sa mga customer.
Unang tatamaan ng kawalan ng suplay ng tubig bukas, Pebrero 19 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga, Pebrero 20 ay ang Barangays NS Amoranto, Maharlika at Paang Bundok.
Sa Pebrero 20 ng gabi hanggang umaga ng Pebrero 21, mawawalan naman ng suplay ng tubig ang Barangay Capri.
Sabay namang mawawalan ng tubig sa pareho ding oras, Pebrero 22 ang Barangay Balong Bato at Baesa, Pebrero 23 ang Barangay Nova Proper at Nagkaisang Nayon at Pebrero 24 ang Barangay Maharlika at NS Amoranto.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption. | ulat ni Rey Ferrer