Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) plaque at ang ₱2.3-million na Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund sa lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan kamakailan.
Pinangasiwaan ng DILG Isabela City Field Operating Unit sa pamumuno ni City Local Government Operations Officer (CLGOO) Arnel Alvarez ang pag-turnover ng naturang plake at incentive fund kay Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Kinilala ang lungsod bilang isa sa Outstanding Regional ADAC Performance Awardees matapos masungkit ng Isabela City ang High Functional Rating sa isinagawang ADAC Performance Audit sa taong 2022.
Ibinigay ang naturang parangal bilang pagkilala sa natatanging pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa iligal na droga kung saan isa ito sa pangunahing inisyatiba ng alkalde para siguruhin ang kaligtasan ng publiko sa nasabing lugar. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga
📷: Isabela City LGU, Basilan