Umaabot sa ₱3.9 million ang halaga ng Marijuana plants ang sinamsam at winasak ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.
Sa ulat ng NBI-Cordillera Administrative Region, kabuuang 19,500 piraso ng fully grown Marijuana plants ang nadiskubreng itinanim sa humigit-kumulang 8,000 metro kuwadradong lupain.
Ang operasyon ay resulta ng natanggap na impormasyon ng NBI-CAR hinggil sa plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar sa pangangalaga ng isang alias “Arturo” .
Bigo naman ang NBI agents na madakip si alyas Arturo at mga kasabwat nito sa ginawang operasyon. | ulat ni Rey Ferrer