Nasabat ng Philippine Navy ang ₱2.5-milyong pisong halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province.
Sa ulat ng Naval Forces Eastern Mindanao, nagsasagawa ng territorial defense operations ang BRP Rafael Pargas (PC379) malapit sa border ng Pilipinas at Indonesia kamakalawa, nang maharang nila ang isang kahina-hinalang bapor.
Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan ang karga nitong 114 na master case ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang kontrabando ay nagmula sa Jolo, Sulu at dadalhin sana sa Maitum, Sarangani Province.
Ang nahuling crew at bapor kasama ang nakumpiskang ebidensya ay tinurn-over ng militar sa kaukulang awtoridad para sa pagsasampa ng kaso. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFEM