Bagsak ngayon sa kamay ng mga awtoridad ang libo-libong gramo ng mga tuyong marijuana o kush matapos ma-intercept ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shipment sa Manila International Container Port (MICP).
Sinasabing galing sa bansang Thailand ang shipment at nakadeklara bilang mga consolidated balikbayan boxes pero nang inspeksyonin ay naglalaman pala ng aabot sa higit sa 63,300 gramo ng marijuana o kush at may halagang aabot sa ₱76-million pesos.
Ayon sa BOC, nasabat ang mga dried marijuana leaves batay sa derogatory information na natanggap ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP na nagresulta sa paglalabas ng alert order ni MICP District Collector Romeo Rosales.
Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Rubio ang dedikasyon ng BOC sa mga nakalipas na taon at binigyang-diin ang kanilang di-mabilang na pagsisikap na pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.
Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon upang tiyakin na wala nang iba pang illegal substance na nakatago sa ibang balikbayan boxes. | ulat ni EJ Lazaro
📸: BOC