Pumalo sa ₱9.4 milyon ang halaga ng multa na makokolekta ng pamahalaan mula sa mga kolorum na sasakyan.
Ito ay resulta ng pinaigting na Anti-Colorum Operations ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ng Department of Transportation (DOTr-SAICT).
Batay sa datos, nasa 19 na mga kolorum na sasakyan ang nahuli ng SAICT simula March 4 hanggang March 14.
Kabilang sa mga nahuli ng SAICT ang mga bus, van, at iba pang pampublikong sasakyan.
Nasa ₱200,000 ang multa sa mga kolorum na van, habang ₱1 milyon ang ipinapataw sa mga kolorum na bus.
Nanawagan naman ang DOTr sa publiko na huwag tangkilin ang mga kolorum na sasakyan, sa halip ay i-report ito sa DOTr Commuter Hotline na 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear