DSWD chief, pinangunahan ang pilot rollout ng Special Protection for IPS sa Tarlac

Tiniyak ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na hindi maiiwan sa serbisyo at patuloy na tutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng mga kababayang Aeta. Inihayag ito ng kalihim matapos ang ginawang pagbisita sa Aeta community sa Barangay Maruglu, Capas, Tarlac kung saan pinangunahan nito ang pilot program implementation ng Social Protection for Indigenous Peoples. Aabot sa… Continue reading DSWD chief, pinangunahan ang pilot rollout ng Special Protection for IPS sa Tarlac

PRA, inialok ang mga reklamasyon at development projects sa foreign investors

Bilang pagtalima sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas, ay ibinida ng Philippine Reclamation Authority sa international investors ang mga proyekto nito.  Sa pagharap ni PRA Chairperson Alex Lopez sa foreign investors, ipinakita nito ang plano ng kanilang ahensya sa Manila Bay kung saan ipinagmalaki nito ang makabagong disensyo habang napapanatili… Continue reading PRA, inialok ang mga reklamasyon at development projects sa foreign investors

Bilang ng kaso ng dengue ngayong taon, unti-unting bumababa

Patuloy ang aksyon ng pamahalaan kontra sa dengue. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, mayroong 11 % decrease sa kaso ng dengue ngayong taon sa buong bansa mula Enero 14 hanggang 27, nasa mahigit 7,000 kumpara noong Enero 1 hanggang 13 na pumalo sa mahigit 8,000.  Nagtuloy-tuloy naman ang pagbaba ng kaso ng dengue… Continue reading Bilang ng kaso ng dengue ngayong taon, unti-unting bumababa

Insidente ng hacking sa mga ahensya ng gobyerno, pinasisisyasat sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para paimbestigahan insidente ng hacking at pag-leak ng mga personal na impormasyon mula sa data base ng Department of Education, Department of Information and Communications Technology at iba pang mga ahensya ng gobyerno. Binigyang diin ng mga mambabatas sa House Resolution number 1610 na nakababahala ang serye… Continue reading Insidente ng hacking sa mga ahensya ng gobyerno, pinasisisyasat sa Kamara

PAF at Republic of Korea, magsasagawa ng “friendship flight”

Magsasagawa ng espesyal na “friendship flight” ang Philippine Air Force (PAF) at Republic of Korea (ROK) Air Force bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Korea. Bahagi ito ng serye ng mga aktibidad na isasagawa mula Marso 3 hanggang 5 sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga… Continue reading PAF at Republic of Korea, magsasagawa ng “friendship flight”

Mga empleyado ng Kamara, pinag-iingat sa spam messages

Naglalabas ng babala ang House Secretary General kaugnay sa spam messages na natanggap ng ilang empleyado ng Kamara. Batay sa ulat, February 21 nang makatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa [email protected] Pero sabi ng tanggapan ng House SecGen, hindi ito opisyal na email ng alin mang departamento sa Kamara. Natuklasan na ito ay… Continue reading Mga empleyado ng Kamara, pinag-iingat sa spam messages

DA, nag-deploy ng Rapid Response Team para sa mga apektado ng El Niño sa Mindoro

Pinakilos na ng Department of Agriculture (DA) ang Rapid Response Team nito para agad na umagapay sa mga magsasaka at mangingisdang tinamaan na ng El Niño sa Mindoro Island. Ayon sa DA, alinsunod ito sa direktiba ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., para agad na makapagsagawa ng agricultural damage assessment sa isla at mahatiran… Continue reading DA, nag-deploy ng Rapid Response Team para sa mga apektado ng El Niño sa Mindoro

Mga motorista, hati ang opinyon sa panukalang iparehistro sa LTO ang e-vehicles

Magkakaiba ang pulso ng mga motorista sa itinutulak ng Land Transportation Office (LTO) na pagpaparehistro ng electronic vehicle. Tinukoy ito sa isang public consultation ni LTO Chief Vigor Mendoza II kung saan pinagbasehan nito ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code na nagmamandato sa lahat ng sasakyang gumagamit ng public roads… Continue reading Mga motorista, hati ang opinyon sa panukalang iparehistro sa LTO ang e-vehicles

Sen. JV Ejercito, umapela kay Pres. Marcos Jr. na suspendihin muna ang PhilHealth premium rate hike

Personal na hiniling ni Senador JV Ejercito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin at huwag na munang ituloy ang nakaambang taas-singil sa kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ibinahagi ni Ejercito na ginawa niya ang apela sa Punong Ehekutibo nang magkaroon ng meeting ang mga senador kasama ang Presidente nitong Lunes. Bilang… Continue reading Sen. JV Ejercito, umapela kay Pres. Marcos Jr. na suspendihin muna ang PhilHealth premium rate hike

Pagluwag sa economic charter provisions, makakalikha ng dagdag na trabaho sa renewable energy sector at magdadala ng bagong teknolohiya — DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution upang makapasok ang foreign investors sa bansa. Sa ikatlong araw ng pagdinig ng House Committee of the Whole sa Resolution of Both Houses No. 7, sinabi ni DOE Undersecretary Sharon Garin inaasahan na aabot sa 1.5 million na trabaho ang malilikha… Continue reading Pagluwag sa economic charter provisions, makakalikha ng dagdag na trabaho sa renewable energy sector at magdadala ng bagong teknolohiya — DOE