Nasa may $1.53 bilyong halaga ng business agreements ang nalagdaan sa biyaheng Melbourne, Australia ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bunga ito ng pagpapahayag ng Australian investors ng intensyong maglagak ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
Ang mga negosyanteng Australyano na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa bansa ay nasa linya ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment ng data centers, digital health services at iba pa.
Lalabas na aabot sa P86 bilyon ang halaga ng business agreements na naselyuhan sa biyaheng Australia ng Chief Executive.
Ssa harap ng mga nalagdaang kasunduan sa Melbourne na may kinalaman sa pagnenegosyo ay tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang ‘ideal destination’ ang Pilipinas sa pamumuhunan habang nagpasalamat din ito sa patuloy na pagtitiwala at interes ng mga negosyante para ilagak ang kanilang negosyo sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar