Pinagkalooban ng Negosyo sa Kariton livelihood starter kits ang 100 residente ng Montalban, Rizal sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) kamakailan.
Ayon sa pabatid ng DOLE Calabarzon, bawat benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ay tumanggap ng panimulang negosyo na nagkakahalaga ng P30,000.
Kabilang sa kits na ito ang maliit na burger stand o fishball stand.
Upang maihanda ang mga benepisyaryo para sa kanilang bagong negosyo, sumailalim sila sa isang oryentasyon tungkol sa DOLE Department Order No. 239, na kinabibilangan ng DILP guidelines at brief introduction to entrepreneurship.
Ang DILP na isa sa flagship programs ng kagawaran ay nagbibigay ng suportang pangkabuhayan sa mga indibidwal at komunidad upang maitaas ang kanilang kalagayan sa ekonomiya. | ulat ni Mara Grezula | RP Lucena
: DOLE CALABARZON