Ilang Pilipinong tripulante ng bulk carrier na tinamaan ng missile attack Gulf of Aden dumating na sa bansa

Lumapag sa runway ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ilang Pilipinong tripulanteng nakaligtas sa missle attack sa isang barko sa Gulf of Eden. Eksaktong alas-5:22 ngayong hapon, lulan ng Ethopian Flight ET664 ang Pilipinong tripulanteng mula sa Gibouti. Sa ngayon, ang mga tripulante ay sasailalim sa proseso ng immigration at sasalang sa isang briefing… Continue reading Ilang Pilipinong tripulante ng bulk carrier na tinamaan ng missile attack Gulf of Aden dumating na sa bansa

USD 4.2 billion na halaga ng business agreements, nalagdaan sa working visit ni PBBM sa Berlin, Germany

Pumalo sa pitong investment deals na nagkakahalaga ng 4.2 billion US dollars, ang nalagdaan sa working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Berlin, Germany. Ilan dito ay para sa pamumuhunan para sa fully integrated solar cell manufacturing facility sa bansa, pagkakaroon ng partner hospital na magsisilbing training center na susuporta sa training needs… Continue reading USD 4.2 billion na halaga ng business agreements, nalagdaan sa working visit ni PBBM sa Berlin, Germany

Panukalang pagdadagdag ng Shari’a Courts sa buong Pilipinas, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Naipresenta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na nagsusulong na madagdagan ang Shari’a Courts sa buong bansa. Sa ilalim ng Senate Bill 2594, layong makapagtatag ng tatlong dagdag na Shari’a Judicial Districts at 12 Shari’a Circuit Courts. Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Shari’a District Court sa Davao City, Cebu City at sa… Continue reading Panukalang pagdadagdag ng Shari’a Courts sa buong Pilipinas, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Mga senador, magkakaiba ang opinyon sa pagsusulong ng mandatory ROTC

Magkakaiba ang posisyon ng mga senador sa panukalang palakasin at itaas ang bilang ng reserve force ng bansa sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Mandatory ROTC, sa gitna na rin ng magkakasunod na tensyon sa West Philippine Sea. Para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel hindi na kailangang gawing mandatory ang ROTC at sa halip ay… Continue reading Mga senador, magkakaiba ang opinyon sa pagsusulong ng mandatory ROTC

TESDA, lumagda sa isang kasunduan para sa pagsasagawa ng cybersecurity training sa bansa

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa isang International Cybersecurity and Information Technology Training Organization, para sa pagsasagawa ng cybersecurity training sa bansa. Ayon kay TESDA Director General Secretary Suharto Mangudadatu, layunin nitong makapagbigay ng sapat na cybersecurity skills sa tulong ng CybersCool Defcon, Inc. na… Continue reading TESDA, lumagda sa isang kasunduan para sa pagsasagawa ng cybersecurity training sa bansa

House Committee on Legislative Franchises, pina-contempt si Pastor Quiboloy matapos ang makailang ulit na di pagdalo sa pagdinig ng komite

Sa mosyon ni Surigao del Sur Rep. Jonny Pimentel ay ipina-contempt ng House Committee on Legislative Franchises si Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy. Ito ay dahil sa makailang ulit na hindi pagsipot sa pagtalakay ng komite sa isyu sa prangkisa ng SMNI sa kabila ng mga imbitasyon. Sinubukan pang pakiusapan ng kaniyang legal… Continue reading House Committee on Legislative Franchises, pina-contempt si Pastor Quiboloy matapos ang makailang ulit na di pagdalo sa pagdinig ng komite

Sen. Nancy Binay, bukas na padaluhin virtually si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senado

Bukas si Senadora Nancy Binay na pahintulutang dumalo virtually si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga alegasyon ng pang-aabuso diumano ni Quiboloy sa mga KOJC members. Ayon kay Binay, ang mahalaga lang sa kanya ay magpakita o dumalo si Quiboloy sa pagdinig… Continue reading Sen. Nancy Binay, bukas na padaluhin virtually si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senado

Panukalang bubuo sa Negros Island Region, aprubado na sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na bubuo sa Negros Island Region (Senate Bill 2507). Dalawampu’t dalawang senador ang pumabor, walang tutol at walang nag-abstain sa naging botohan para sa panukala. Sa ilalim nito ay isinusulong na mahiwalay ang mga probinsya, siyudad, munisipalidad at mga barangay ng Negros Occidental,… Continue reading Panukalang bubuo sa Negros Island Region, aprubado na sa Senado

Panukalang reporma sa Procurement Law, nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado

Tiwala si Senador Sonny Angara na magbubunga ng positibong epekto sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng gobyerno ang isinusulong na panukalang amyenda sa Government Procurement act. Naiprisinta na ni Angara sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 2593 o ang panukalang Government Procurement Reform Act. Ang GPRA, na priority measure din ng Legislative-Executive… Continue reading Panukalang reporma sa Procurement Law, nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado

Asean Defense Ministers’ Meeting Retreat sa Lao PDR, nilahukan ni DND Usec. Espino

Nilahukan ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino bilang kinatawan ni DND Secretary Gilbert Teodoro, ang ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) Retreat sa Luang Prabang, Lao PDR. Nakasama ni Usec. Espino sa pagpupulong noong Marso 5 na pinangunahan ng ASEAN Deputy Secretary-General, ang mga Defense Minister ng siyam na iba pang bansang ASEAN,… Continue reading Asean Defense Ministers’ Meeting Retreat sa Lao PDR, nilahukan ni DND Usec. Espino