Pres. Marcos Jr, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan

Nagtalaga ng mga bagong manunungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit 10 tanggapan ng pamahalaan. Sa Department of Agriculture (DA) ay nagtalaga ng dalawang bagong Undersecretary sa katauhan ni Christopher Morales at Cheryl Marie Natividad-Caballero habang itinalaga naman bilang Assistant Secretary sa Kagawaran si Constante de Palabrica. Sa Office of the President ay… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan

Kaso laban sa film director na umano’y sangkot sa panununog ng modern jeepney sa Quezon, tuloy pa rin

Nilinaw ni Police Regional Office (PRO) 4A Regional Director Police Brigadier General  Paul Kenneth Lucas na tuloy pa rin ang kaso laban sa film director at tatlo nitong kasamahan na sangkot umano sa panununog ng modern jeepney sa Catanauan, Quezon. Ang paglilinaw ay ginawa ng opisyal matapos ipag-utos ng korte ang pagpapalaya kay Jade Castro… Continue reading Kaso laban sa film director na umano’y sangkot sa panununog ng modern jeepney sa Quezon, tuloy pa rin

Patuloy na kooperasyon ng AFP at US INDOPACOM, pinagtibay

Kapwa pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States IndoPacific Command (USINDOPACOM) ang malapitang kooperasyon ng dalawang pwersa. Ito’y sa pagpupulong ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at USINDOPACOM Commander Admiral John Aquilino sa Camp Aguinaldo kahapon. Kabilang sa tinalakay ng dalawang opisyal ang nalalapit na PH-US Balikatan Exercise,… Continue reading Patuloy na kooperasyon ng AFP at US INDOPACOM, pinagtibay

Binabalangkas na Trabaho Para sa Bayan Plan, inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2024 — NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na tututukan ng Pamahalaan ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa sektor ng paggawa. Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan matapos ganap na lagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Trabaho Para sa Bayan Act. Ayon kay Balisacan, kabilang sa mga makikinabang dito… Continue reading Binabalangkas na Trabaho Para sa Bayan Plan, inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2024 — NEDA

VP Sara, nagpaabot ng pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa pagsisimula ng Ramadan

Nagpaabot ng kaniyang pakikiisa si Vice President Sara Duterte sa mga kapatid na Muslim sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan. Sa isang pahayag, sinabi ng Pangalawang Pangulo na hangad nito na matamo ng Pilipinas ang biyaya at pagpapala ng mga salita ni Allah. Pagkakataon din ito para sa mga kapatid na Muslim na… Continue reading VP Sara, nagpaabot ng pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa pagsisimula ng Ramadan

Mga dagang namataan sa NAIA Terminal 3 unti-unti nang nahuhuli sa mga ipinakalat na mouse traps at sticky traps ng pest control

Sunod-sunod nang nahuhuli ng Pest Control personnel ang mga dagang gumagala sa ilang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport NAIA Terminal 3. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo kasunod na rin ito ng pagkakahuli ng isang daga sa pamamagitan ng sticky traps sa NAIA 3 at pagpapakalat ng mga karagdagang mouse… Continue reading Mga dagang namataan sa NAIA Terminal 3 unti-unti nang nahuhuli sa mga ipinakalat na mouse traps at sticky traps ng pest control

Nasa 275 tauhan ng BuCor, mawawalan ng trabaho dahil sa kabiguang ma-comply ang eligibility at educational requirements sa kanilang posisyon

Inihayag ng Bureau of Correction (BuCor) na hindi bababa sa 275 na mga tauhan nito ang mawawalan ng trabaho dahil sa kabiguan nilang makumpleto ang kinakailangang eligibility at educational requirements. Ito’y alinsunod sa ipinag-uutos ng Republic Act 10575 o kilala bilang “Bureau of Corrections Act of 2013 kung saan sa ilalim ng probisyon ng batas… Continue reading Nasa 275 tauhan ng BuCor, mawawalan ng trabaho dahil sa kabiguang ma-comply ang eligibility at educational requirements sa kanilang posisyon