Labing apat na mga senador ang pumirma sa statement of support para sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ito ay sa gitna ng isyu na may nagtatangkang mapalitan si ubiri bilang lider ng Senado.
Kabilang sa mga senador na pumira sa naturang statement of support ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leaders JV Ejercito at Mark Villar, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Sonny Angara, Sen. Grace Poe, Nancy Binay, Lito Lapid, Tulfo, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Sen. Francis Tolentino, at Christopher “Bong” Go.
Pumirma rin sa naturang dokumento si Zubiri.
Nakasaad dito na sa ilalim ng pamumuno ni Zubiri ay napanatili ng Mataas na Kapulungan ang dignidad at independence nito.
Mas tumibay rin anila ang kanilang kumpiyansa kay Zubiri dahil sa maayos nitong napangasiwaan ang divisive issue tungkol sa people’s initiative.
Ibinahagi ni Sen. Angara, na nagkaroon ng statement of support para kay Zubiri para matuldukan na ang pabalik-balik na isyu tungkol sa tangkang pagpapalit ng senate leadership. | ulat ni Nimfa Asuncion