Pormal na pinanumpa sa tungkulin ni Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreño ang 16 na bagong 2nd Lieutenant ng Hukbong Panghimpapawid.
Ito’y sa isinagawang donning of ranks at oathtaking ceremony sa Agunod Hall, Villamor Airbase sa Pasay City.
Ang mga bagong opisyal ay binubuo ng 12 nagtapos ng PAF Officer Training Course “Makadasig” Class of 2021 at apat na nagtapos sa Officer Candidate Course “Mabagwis” Class of 2021.
Binati ni Lt. Gen. Parreño ang mga bagong opisyal at binilinan ang mga ito na itaguyod ang pinakamataas na antas ng responsibilidad at accountability.
Inengganyo niya rin ang mga batang opisyal na magsikap na makamit ang “excellence”, mahusay na pamamahala, at natatanging pagganap. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF