Pangungunahan ngayong alas-8 ng umaga ng Office of Civil Defense (OCD) ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Kabilang sa mga inanyayahang panauhin sa aktibidad sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr.; Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.; Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.; Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian; National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan; Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Romando Artes; Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Romeo Brawner Jr., PA; at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol.
Ang regular na pagsasanay ay bilang paghahanda sa inaasahang “the big one” na mahigit 7.2 magnitude na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila sa nalalapit na panahon, bunga ng pagkilos ng West Valley Fault.
Kasunod ito ng Earthquake Summit na isinagawa ng OCD noong nakaraang linggo kung saan tinalakay ng mga eksperto at stakeholder ang siyensya ng lindol at paghahanda para dito.
Ang publiko at ineengganyong makilahok sa earthquake drill sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live-stream sa Civil Defense PH Facebook page. | ulat ni Leo Sarne