Ibinahagi ni dating US Air Force official at Maritime Security Expert na si Ray Powell sa social media site na X, na may dalawang barko ng China ang naglayag mula sa bansa nito patungo sa Benham o Philippine Rise.
Ayon sa post ni Powell, noong ika-26 ng Pebrero dalawang research vessels ang umalis ng Longxue Island sa Guangzhou, China at naglayag patungo sa Hilagang Silangan ng Luzon sa katubigang sakop ng Benham Rise sa Luzon Strait.
Kinilala ang mga barko na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao, kapwa research vessels ng PRC.
Ang Benham Rise o Philippine Rise ay bahagi ng exclusive economic zone ng bansa.
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) o ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa mga namataang barko ng China sa karagatan sakop ng teritoryo ng Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro
📷 Screen grab from Ray Powell X Account