Malaki ang tyansang magkaroon ng mataas na heat index o alinsangan sa dalawang lugar sa Cagayan ngayong Miyerkules, March 6.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 42°C ang heat index na maramdaman sa Aparri at Tuguegarao City.
Una nang umabot sa danger level ang heat index sa Tuguegarao City nitong Martes.
Samantala, bukod sa Cagayan, inaasahan ding papalo sa 40°C hanggang 41°C ang alinsangan sa Cotabato City, Maguindanao, Echague, Isabela, at Calapan, Oriental Mindoro.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na hanggang Mayo pa mararamdaman ang matinding init ng temperatura sa bansa dahil na rin sa epekto ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa