MERALCO, tiniyak ang suplay ng kuryente ngayong Semana Santa

Naka-antabay 24-oras ang mga tauhan ng Manila Electric Company (MERALCO) upang umalalay sa 7.8 milyong customer nito ngayong Semana Santa. Ito ang inihayag ng MERALCO kasabay ng pagtitiyak nito na mayroon silang sapat na suplay ng kuryente sa panahong ito Ayon sa MERALCO, sarado ang kanilang business centers sa Huwebes Santo, March 28 hanggang Biyernes… Continue reading MERALCO, tiniyak ang suplay ng kuryente ngayong Semana Santa

Kadiwa stores, mananatiling bukas ngayong Holy Week

Tuloy-tuloy pa rin ngayong Semana Santa ang bentahan ng mura at dekalidad na agri-products sa mga Kadiwa site sa Metro Manila. Sa inilabas na iskedyul ng DA-AMAS, mananatiling bukas ang karamihan ng Kadiwa sites sa National Capital Region (NCR) mula ngayong Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, March 31. Ito ay para maghatid pa rin… Continue reading Kadiwa stores, mananatiling bukas ngayong Holy Week

Mga pasaherong paluwas sa probinsya, kakaunti pa lang sa bus terminal sa Cubao

Hindi pa ramdam ang buhos ng mga bakasyonistang luluwas sa mga probinsya sa bus terminal ng Victory Liner dito sa Cubao, Quezon City. Kapansin-pansin na mangilan-ngilan pa lang ang bumibyahe ngayong umaga at hindi rin napupuno maging ang mga ticketing booths. Ayon sa ilang dispatcher ng bus terminal, inaasahan nilang bukas pa magsisimulang dumagsa ang… Continue reading Mga pasaherong paluwas sa probinsya, kakaunti pa lang sa bus terminal sa Cubao

NLEX-SCTEX, handa na sa inaasahang dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week

Nasa Full Alert status na ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) para sa inaasahang pagtaas ng volume ng mga sasakyan na papasok at palabas ng Metro Manila nga­yong Semana Santa. Ni-reactivate na ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program kung saan nasa karagdagang 1,500 personnel ang ipinakalat sa buong expressway. Ayon sa… Continue reading NLEX-SCTEX, handa na sa inaasahang dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week

‘Plastic-free’ Holy Week, panawagan ng EcoWaste Coalition

Umapela ang environmental watchdog group na EcoWaste Coalition sa publiko na gawing mas makabuluhan ang paggunita ng Semana Santa sa pamamagitan ng pag-iwas sa single-use plastics (SUPs). Ang panawagan ay kasunod na rin ng inaasahang pakikiisa ng maraming Katoliko sa iba’t ibang aktibidad ngayong Holy Week kabilang ang “Pabasa,” “Bisita Iglesia,” “Alay-Lakad” sa Antipolo City,… Continue reading ‘Plastic-free’ Holy Week, panawagan ng EcoWaste Coalition

Presyo ng isda sa mega q-mart, wala pang paggalaw ngayong lunes santo

Hindi tumaas ang presyo ng isda na ibinebenta sa Mega Q-Mart, Quezon City kahit pa pumatak na ang Lunes Santo. Ayon sa ilang nagtitinda, hindi naman din kase nagtaas ang kuha nila sa supplier kaya walang dahilan para magtaas din sila ng presyo. Naglalaro pa rin sa ₱110 hanggang ₱130 ang bentahan ng kada kilo… Continue reading Presyo ng isda sa mega q-mart, wala pang paggalaw ngayong lunes santo

Holy Week break, sasamantalahin ng DPWH upang kumpunihin ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila — MMDA

Nagpaabiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa mga isasagawang road repair and reblocking sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila sa darating na long weekend. Ayon sa MMDA, epektibo ang naturang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11 ng gabi ng Miyerkules Santo, March 27 hanggang alas-5 ng umaga… Continue reading Holy Week break, sasamantalahin ng DPWH upang kumpunihin ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila — MMDA

Panibagong rotation and re-supply mission sa Ayungin Shoal, naging matagumpay sa kabila ng panibagong water cannon incident — NSC

Maituturing pa ring matagumpay ang isinagawang rotation and re-supply mission ng Philippine Navy gayundin ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal nitong weekend. Ito ang tinuran ni National Security Council Chairperson, Secretary Eduardo Año kasunod ng panibagong water cannon incident ng China Coast Guard sa Unaizah May 4 na isa sa mga re-supply ship ng… Continue reading Panibagong rotation and re-supply mission sa Ayungin Shoal, naging matagumpay sa kabila ng panibagong water cannon incident — NSC

PNP, naka-heightened alert na simula ngayong araw kasabay ng pagsisimula ng Semana Santa

Simula alas-12:01 kanina, nakataas na ang heightened alert status sa buong hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito’y ayon sa PNP, kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga tinatawag na areas of convergence gaya ng mga paliparan, pantalan, transportation hubs gayundin ang mga simbahan na magsasagawa ng mga aktibidad ngayong Semana Santa. Kasunod niyan,… Continue reading PNP, naka-heightened alert na simula ngayong araw kasabay ng pagsisimula ng Semana Santa

Philippine Army, aalalay sa PNP sa pagpapatupad ng seguridad ngayong Semana Santa

Inatasan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang lahat ng unit commanders na magbigay ng suporta sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng seguridad ngayong Semana Santa. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, magsisilbi ang mga sundalo bilang augmentation force ng mga pulis. Wala aniyang espesipikong bilang ng mga sundalo… Continue reading Philippine Army, aalalay sa PNP sa pagpapatupad ng seguridad ngayong Semana Santa