Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. na mayroon na siyang 3 pangalan ng mga heneral na nakikita niyang potensyal na humalili kay Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr.
Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na para sa kaniya ay mahalaga na “output based” o laging nakabase sa resulta ang susunod na maging PNP Chief.
Kaya naman sinabi ng Kalihim na magiging hamon sa susunod na PNP Chief ang pagtugon sa mga usapin ng Cybercrime, Illegal Drugs at ang paglaban sa krimen.
Kaya naman sinabi ni Abalos na mag-uusap sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr para ilatag ang kaniyang shortlist, kasabay ng pagpapaliwanag kung bakit sa tingin niya ang mga ito ang posibleng pumalit kay Acorda.
Gayunman, sinabi ng kalihim na kay Pangulong Marcos pa rin ang huling pagpapasaya sa kung ano ang nais nito sa liderato ng PNP.
Bagaman hanggang Marso 31 epektibo ang ibinigay na extension ng Pangulo sa termino ni Acorda, mapapaaga sa Marso 27 ang turnover ceremony sakaling magpasya ang Punong Ehekutibo na palitan na ito.| ulat ni Kathleen Forbes