4 na babaeng opisyal ng PH Air Force, tumanggap ng Owlens Award

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na tinanggap ng apat na babaeng opisyal ng Philippine Air Force (PAF) ang Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) Award sa awarding ceremony sa Celebrity Sports Complex.

Kabilang sa mga pinarangalan sina: Colonel Ann Marie T. Gerodiaz PAF (GSC), Ltc. Cynthia Forteza-Guinto PAF, Maj. Aileen S. Zara PAF, at 1Lt Lei Vanette D. Alangui PAF.

Ang seremonya nitong nakalipas na Huwebes ay pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.

Dumalo din sa seremonya si Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Stephen P. Parreño bilang pagsuporta sa mga awardee ng PAF, na patunay ng commitment ng PAF na isulong ang gender equality sa serbisyo publiko.

Ang OWLENS Award, na inorganisa ng volunteer group na Republic Defenders ay para bigyang pagkilala ang mga babaeng nagpamalas ng katangi-tanging dedikasyon, propesyonalismo, at commitment sa paglilingkod sa bayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us