Umarangkada na ang pay-out para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malabon City.
Ang AICS Program ay layong makapagbigay ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan at biktima ng sakuna at kalamidad.
Pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Senator Francis Tolentino ang pamahahagi ng tig P3,000 cash assistance sa 600 benepisyaryo sa lungsod.
Bukod dito ay namahagi rin ng wheelchairs ang Malabon LGU sa anim na residenteng may kapansanan.
Nagsagawa rin ng raffle sa nasabing aktibidad at namigay ng kitchen appliances sa mga nanalo.
Tiniyak naman ng Malabon LGU na nakahanda itong tumulong at suportahan sa mga residenteng nangangailangan sa lungsod. | ulat ni Diane Lear